Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

Thanks

This will be the last blog I will post for now, hindi ko muna ako gagawa ng any blog, this is for the girl na super importante sakin, super halaga, at ang nagiisang girl na mahal ko.

Pano ko nga ba uumpisahan? Ganito nalang, madalas mong sinsabi na nagulo mo lang yung buhay ko, kasi bumalik ka, pero hindi mo ba naisip na binigyan mo ult ng direksyon ung buhay kong ang alam lang eh happy go lucky, at kahit paulit ulit kong cnasabi, kahit kelan hindi ka naging pagulo sa buhay ko, never ka din naging pabigat, sino ba naman ang magssabi na pabigat ang taong mahal niya? Alam mo, baduy man pakingan, oh hindi kapanipaniwala, sayo lang ako kinikilig, sayo lang ako nakaka smile ng tlgang smile! Teka? My iba pa bang smile? Diba nga madalas kong sinasabi sayo, “nakakainis ka” kasi pag tintignan mko, yung feeling na masarap, yung feeling na wala akong ibang iniisip kundi yung tayong dalawa, tapos my kasamang kilig, and one thing, pag my gusto ka, tapos ayaw ko, titingin ka sakin tapos na ka smile ka pa, ayy grabe! Hindi ko na magawang umayaw sa 2nd time, tapos pag naglalakad tayo, tapos hahawakan ko kamay mo, sabay isway ko sya ng back and forth, tapos sinasabi ko sayo na, para lang kids! Tapos ngingiti ka ult sakin, sarap tlga pag nka smile ka sakin, feeling ko na wala akong iniisip, wala akong problema, ung thinking na, ok ng wala akong kahit ano, basta ikaw ung kasama ko, it really feel so perfect! Sana nga ganon nalang parati, sana lang din ganon kadali sabihin, alam mo, if there is a thing na mamimiss ko sayo, yun yung nakatitig ka sakin habang naka smile, pero lahat sayo mamimiss ko syempre, lalo ka na! Hindi ko alam kung pano ko sasakutin ung impact na ginawa mo sa buhay ko, ikaw kasi ung girl na handa akong gawin ang lahat, kahit masakit, mahirap, makita lang kitang masaya, mahal talaga kita noh, sa mga pangsasabi ko, malamang baliw na tingin sakin ng ibang tao, alam mo, kahit san ko simulan, hindi ko maisip kung pano lalayo sayo, I admit, masakit tlga tong ngyayari sakin, pero hindi ko alam kung tama bang piliin ko na lumayo ako sayo, oh mgstay nlang, kahit ano nman piliin ko, parehas lng na masasaktan ako, parehas tayong my choice, choice na sumaya, oh masaktan tyo parehas, but you chose to be happy, and I chose to suffer the pain, kung alam mo lang tlga, buti nlang naitatago ng saya ko pg magkasama tyo, ung sakit na nararamdaman ko, pg iniisip ko na hindi ka na tlga magiging sakin, just to be honest, wag kang magagalit ha, ikaw ung reason kung bakit ako nasasaktan, pero alam mo bang ikaw din ung reason kung bakit ako masaya at nkakalimutan ko ung sakit, weird dba? Pero un ang totoo!


Pwedeng tom bigla nalang akong mawala, pwedeng sa isang lingo, pwede kahit kelan, at pwedeng ikaw dn ang gumawa non, hindi mo ba naisip na hindi nman ako nakakapagtago sayo, you always have a way kung pano ako hahanapin, remember ha, 2nd promise is on..! and im holding on to it, hindi nman kita sisihin kung wala akong mapala, sinabi ko na sayo ung reason kung bakit.. and one last favor, pag wala na ako, at ikakasal ka na, just let me know, but never send an invitation.

Huwebes, Nobyembre 17, 2011

"Aish"

Maraming beses kong pinagisipan kung gagawin ko ba talaga tong blog na toh, hindi ko din kasi alam kung pano ko sasabihin lahat ng mga bagay bagay, ganito nalang siguro, dito ko nalang lahat sasabihin ng mga nasa loob ko, tutal hindi ko naman kayang sabihin sa harap mo.

Hindi ko na isasama ung unang beses tyong nagkahiwalay, tutal masyado pa nman tayong bata non, sisimulan ko nalang nung highschool na tayo, alam kong nagkamali ako nung time na un, kasi hindi ako naging responsible sa relasyon nating dalawa, tska kasi parang mas bnigyan mo ng halaga yung cnsbi ng ibang tao, kesa sa sarili kong paliwanag, at hindi mo ako binigyan ng chance na mag explain, after na nawala ka sakin, mdaming nagbago, I was really a mess! Masyado ko kcing dnamdam ung pagiging irresponsible ko non, tska ung mga haka haka na hindi nman tlga totoo, sinubukan kong kalimutan ka, pero mahirap gawin,tottong minsan hindi kita naiisip nung mga panahon na un, pero kahit kelan hindi nawala ung feeling ko para sayo, ung feeling na nasasabik akong makita ka, khit hindi ko alam kung saan ka hahanapin, hindi ko pinipilit na maniwala ka, pero un ang totoo! Ikaw ung nagiisang babae na hinahanap hanap ko, ung gusto kong makasama sa lahat ng bagay, bumuo ng mga memories na masasaya, pero oras at panahon ang naging hadlang sating dalawa,tapos nung debut mo, kahit nahihiya ako at wala akong mukang maihaharap sayo, pinilit kong pumunta, kasi gusto kitang makita, nagawa ko naman na makita ka, pero hindi ako nagkaroon ng chance na makausap ka, hindi kasi kita maagaw sa mga friends mo, tska malamang hindi mo na din ako mapapansin na aalis, kasi busy ka, tsaka iniisip ko na lang na ayw ko ng makagulo sa debut mo, after non oras nnman ang lumipas, until nung time na nagkita tayo sa MOA, after ng ilang years, hindi ko man naipakita sayo, pero hindi mo lang alam kung gano ako kasabik nung mga oras na un, parehas tayong nsa relationship nung mga oras na un, pero alam mo, maging masama na ako sa paningin ng lahat ng tao, kung cnabi mo lang na magulo ang relasyon mo non, nung mga oras na un, ipaglalaban na kita, hindi ko na hahayaang mawala ka pa sakin, kaso kontra tlga ang pagkakataon satin, tapos panahon nanaman ang lumipas, hangang sa nalaman kong ikakasal ka na, nung mga oras na un, hindi ko tlga alam kung ano ang iisipin ko, sabi ko nalang sa sarili ko, hindi man lang kita nakausap bago ka ikasal, pero pinili ko nalang din na hindi kna makita, iniisip ko nalang na masaya ka na, wala ng rison na mgkita pa tayo, tska masasaktan lang ako, kasi ever since naman, hindi nawala ung feelings ko para sayo, cause you always have a special place sa puso ko, na kahit sino hindi kayang burahin, sana lang din ganon ako sayo.

Tapos ngayon, eto nanaman tayo, after 3 yrs nanaman, nagparamdam ka bigla, kung alam mo lang sana kung gano ako kasaya nung nakausap kita ult, kung gano ako ka excited na makita kna ulit, lalo na nung cnabi mo sakin na hindi ka pa kinakasal, selfish na kung selfish, pero grabe ang tuwa ko, kasi akala ko may pag asa na ako, hangang sa time na pnagtapat mo sakin na nagkaproblema lang kayo, after mo ikwento sakin un, nainis ako sa sarili ko, kung noon palang sana pnaglaban na kita, hindi mangyayari yan sayo, pero mas naiinis ako sa kanya, kahit cguro makulong ako, ok lang maiganti lang kita, hindi ko kasi tlga maisip kung bakit niya un gnawa sayo, hindi ako perpektong tao, pero kahit kelan hindi kita kayang lokohin, hindi nga kita mpagtaasan ng boses, tapos gnon pa ang gagawin niya sayo! Makasarili na ako sa sasabihin ko, oh kung ano pa gusto isipin ng mga mkakabasa nito, pero hindi ka bagay sa kanya, bakit? Hindi ka nga niya pnahalagahan, hindi niya inisip na masasaktan ka, pero sa lahat ng ginawa niya, u still gave him a chance, cguro nga swerte lang siya, at ako ung malas, kasi kahit ganon ang gniwa niya, siya parin ang pinili mo. Masakit ng sobra, sana lang bgyan mo ng halaga ung sarili mo.

Tatlong beses na tayong nagkalayo, at ngayon andito tayo, wala man akong chance, kahit alam kong hindi ako ang pipiliin mo, pinili kong mgstay sa tabi mo, para lang mapasaya ka, ganyan ka kasi kahalaga sakin, hindi kita kayang hindian, lalo ng hindi ko kayang makita kang nasasaktan, mas masakit kasi sakin un, pinipilit kong maging malakas para sayo, para everytime na my problema ka, kaya kitang palakasin, kahit pa ba sobrang sakit sakin, ung parang buhay pa ako pero nililibing na ako, gusto kong ipaglaban ka, gusto ko maging sakin ka, gusto ko sana maging masaya ng kasama ka, pero hindi mo magawang ibigay sakin, sabi ko nga, kahit ipaglaban kita ng isang libong beses, kung hindi mo nman ako kayang ipaglaban, hindi tlga tayo mananalo, hindi natin makukuha ang isat isa, wala na nga cgurong epekto tong mga cnsabi ko, pero atleast nsabi ko ung ilang bagay na sana non ko pa cnabi, akala ko sa pang apat na beses nating pagkikita, magagawa ko ng makuha ka, pero mawawala ka nnaman, at mukang wala na akong pang limang pagkakataon, sapat na cguro tong mga nasabi ko, kung tlgang siya ang pinili mo, wala ka ng mariring galing sakin, maging masaya ka sana piling niya,

Aish mahal kita ng sobra, kaya ako nasasaktan, masakit sakin na makita kang mawawala nnaman, pero sana wag mkong pigilan na mangarap na darating ung araw na mamahalin at pipiliin mo din ako, hindi ko lang tlga alam kung pano ka kalimutan, isa lang ang hihilingin ko sayo, pagpinakawalan kpa niya ult, pwede bang ako nman ung bgyan mo ng chance?

Halos buong buhay ko nagparaya ako sa mga tao sa paligid ko, ok lang na ako ung agrabyado, ok lang na ako ung nasasaktan, pero ngayon lang ako humiling at nagmakaawa, na sana ibigay kna sakin, khit once lang sana ako pagbigyan na ako nman ung hindi dehado, pero walang nangyari, gnon ba tlga kalupit ang tadhana sakin?

sorry sa pangungulo ko,  

Miyerkules, Nobyembre 9, 2011

" Wish "

Dati madami akong tanong sa sarili ko, bakit ganon? Bakit ganito? At kung ano ano pa, sa dami ng mga tanong ko, hindi ko na mabigyan ng sagot lahat, at dahil hindi ko na mabigyan ng sagot, karamihan sa mga tanong ko, nakalimutan ko na, pero lately lang nung naisip ko ulit na ung mga bagay na “1st ”, madami na din akong hindi maalala sa mga 1st na un, pero maniwala man kayo oh hindi, bola man ang dating nito sa inyo, wala na akong pakialam, gusto ko lang din balikan ung mga bagay na 1st sakin, cno nga ba nman ang ayw balikan ang mga 1st thing na magaganda sa buhay nila, same thing na nangyayari sakin ngayon, not all people know, pero masaya tlga ako ngayon, kasi kasama ko ung girl na tinatawag kong “my 1st everything”. Bakit everything? Kasi siya yung 1st puppy love ko, siya din ung 1st childhood crush ko, siya din ung 1st crush ko, nung hindi na ako msyadong bata at siya parin ung 1st na kaholding hands ko, at higit sa lahat, siya ung 1st girl na naramdaman kong naiinlove na ako, baka kasi my mgtanong sa inyo, it all happens in 3yrs, nung elementary pa kami, oh diba, un nga lang, nagkahiwalay din kami, syempre bata pa kami non, madaling napatungan ung mga memories namin, pero as I’ve said, napatungan, pero hindi nawala, maybe I’ll just skip some details, pero sa tagal namin na hindi nagkita, merong isang bagay na hindi ko ma explain, try kong mgbgay ng details ha, un ung tipong kahit sa text lang kayo naguusap, pero hindi mawala ung smile sa muka mo, kht pba sabihan ka ng baliw kna, ok lng, kasi ayw mong paistorbo sa pgtetext, tapos ung masarap na feeling pg naririnig mo boses niya, lalo na pag kumakanta pa siya,at hindi ko alam kung ano ang meron siya, pero every chance na nagkakasama kami, wow, I can really say im happy..! bakit kaya ganon nlang ang lakas ng tama ko sa kanya? Pero kahit ano pa ang sabhin ng iba, ok lang, bsta ako, kasama ko ang taong dahilan kung bakit ako nagiging masaya, kung pwede nga lang na ganito parati, ewan ko lang kung maging malungkot pa ako. Sarap tlga ng pakiramdam na magksama kayo ng taong mahal mo, lahat nagiging ok, feeling mo super hero ka, parang walang imposible, basta mgkasama kayo, sana ganito nlang parati,

Masarap bumuo ng memories kasama ang taong mahal mo, at higit sa lahat, masarap ung magkasama kyo, tapos my binabalikan kayong mga masasayang memories!

Only two people know kung sino ung girl na tnutukoy ko dito, ngayon lang ako humiling, kahit alam kong mabigat, GOD knows how I feel, and HE knows how much I care for you, tska pag cnabi ko ba sayo na mahal kita, seryoso ako aish, will say you mahal din kita?

Just this wish, PLEASE... 

Huwebes, Nobyembre 3, 2011

Past, Present, Future

Matagal din ung last time na gumawa ako ng blog, pero this time, gagawa ako ng blog na gagawin ko siya part by part, baka itanong niyo kung bakit, kasi mahabang panahon ung ginugol ko para makagawa ako ng blog about samin, masasabi ko na samin, kasi dalawa na kami na involve dito ngayon, pero syempre hindi ko pa rin imention ung name niya.

Sa natatandaan ko kasi, she is my childhood crush, tama ba ung term ko? Tapos iisa pa ung school na pinapasukan namin, as far as I can remember, parang team up lang ung mga ngyari non, kaya parang “MU” na ang kinalabasan namin, and siya lang ang nagiisang girl na hindi ako nagagalit pag tinatawag akong “maverick”, don't ask, bsta ok lang sakin na tawagin niya ako sa name ko, sabagay kasi bata pa kami nung mga time na un, pero sabi nga nila, ung time ng pagiging bata, ung isa sa sweetest part ng falling inlove, pero hindi ko cnsabing sure un ha.. ayon lang un sa mga naririnig ko, pero alam niyo, masasabi ko na isa ako sa mga swerteng bata non, kasi ba naman, ka love team ko ba nman ang isa sa pinaka masipag na student na school namin, hindi ko nga din ba alam kung ano ang meron siya, bakit ganon nlang ang lakas ng impluwensya niya sakin, meron pa nga akong mga naalala, ewan kna lang kung naalala pa niya, my incident na nagpunta kami sa isang haws ng clasmate namin, hindi ko na maalala kung ano ang reason kung bakit kami andon, I’ll make the story short, nagselos yta ako non eh, tapos tumakbo ako ng tumakbo palayo don sa haws ng classmate namin, oh diba, parang habulan blues lang ang ngyayari, tapos habang tumatakbo ako, tao lang din naman ako, ayun, napagod ako sa kalokohan ko, bumalik din ako sa haws nung classmate nmin, tapos halos habulin ko yung hininga ko sa sobrang pagod, at ang tigas pa ng muka non, nakiinom pa tlga ako, haha! Inabuso ko na tlga eh noh. One of the many things na naalala ko bout saming dalawa, pero kung ako ang tatanungin, gusto ko pa dagdagan ung mga xperience naming dalawa.

Hindi ko alam kung bakit ganito parin ang feeling ko every time na susulpot siya ult, cguro kasi siya ung masasabi kong 1st love, 1st hand to hold, 1st girl to walk with, 1st girl to make me happy, and almost my 1st everything..! So happy na ikaw ung kasama ko sa mga 1st thing na un, and sana lang, ikaw din ung maging last ko, makuha lang tlga kita ult, kahit buhay ko maging kpalit, ipaglalaban na kita hangang sa kahulihulihan, can't say the word yet, but still, looking forward to say it..

Sa girl na minsan kong hinayaang makawala sa buhay ko,