Biyernes, Marso 15, 2013

Mapag mahal na tao....


Relasyon? Ano nga ba ang ibig sabihin nito sa bawat isa sa atin? Siguro madaming kahulugan sa bawat tao, ikaw ba nagkaroon na ng isang relasyon? Pano mo ito ilalarawan sa sarili mong kahulugan?

Paano kung meron kang isang taong  mahal? Handa mong pagsilbihan hangang sa abot ng makakaya mo, kahit mahirap at masakit, handa kang intindihin ang lahat ng sitwasyon na meron siya? At higit sa lahat, hindi mo kayang umalis sa tabi niya kahit na alam mong hindi ka niya kayang mahalin. Sa tingin mo meron pa kayang ganitong tao ngayon? Ang sarap isipin na napapasaya mo siya kahit sa maliit na bagay, kahit may sakit ka, kalagayan pa rin niya ang inaalala mo, yung tipong hindi ka mapakali pag hindi siya nagtetext, malungkot ka pag hindi mo siya nakikita, kahit na pa sinasabi mong “ok lang ako”, pero naman pag magkasama kayo, halos umabot na ang ngiti hangang sa batok kasi masarap yung feeling pag magkasama kayo, pero hangang kelan? Hangang kelan mo kayang magtiis sa ganong kalagayan? hangang kelan mo isasara ang puso mo sa ibang tao para lang sa kanya? Sabihin na natin na handa kang masaktan at tangap mo na hindi ka niya kayang mahalin, pero pano nalang kung bigla siyang nag mahal ng iba? Handa kna rin bas sa ganon? Kaya mo na bang tangapin yung ganong klase ng sitwasyon ng biglaan?

Alam natin lahat na madaling magsalita, pero mahirap gawin, kung sasabihin mo kaya sa sarili mo na “kaya ko naman” pero unti unti namang nadudurog ang damdamin mo sa sobrang sakit, lalo na at alam mong nasa piling na siya ng iba, kahit hindi mo nakikita, alam naman ng isip mong ganon, pano na? pano mo nalang sasabihin sa sarili mo na mag move on ka na, kung lahat ng bagay sa paligid mo, pinapaala ang lahat ng masasayang pagkakataon na magkasama kayo, kung isisipin na nga lang, mahirap talaga, lalo na kung sa bawat araw na dumadaan, pabigat ng pabigat yung sakit na nararamdaman mo, hindi malayong mangyari kung gigising ka ng isang umaga at sasabihin mo sa sarili mong “ minahal ko talaga siya, kasi nasaktan ako ng sobra”. Sabi ng mga matatanda noong bata ako, masarap daw pang nagmamahal ka na, siguro ang ibig nila sabihin, sa fairy tales lang nangyayari yung mga ganong bagay, kasi kung masarap ang nagmamahal, bakit mas madami ang nasasaktan? Swertihan lang siguro yun, pero naisip ko din, kakambal ba talaga ng pagmamahal ang kabiguan?

Sa isang relasyon, hindi pwedeng isang tao lang ang nagmamahal, kasi hindi mo naman pwedeng sabihin na karelasyon mo ang sarili mo. Kadalasan talaga, nagmamahal tayo ng hindi na natin iniisip kung ang magiging resulta sa huli, basta mahal mo siya, sapat na sa lahat ng tao yung ganong rason, kahit ano pa ang maging kapalit.

Kung ikaw ang tatanungin, kaya mo ba maging isang bayani para sa taong mahal mo?