Linggo, Hulyo 24, 2011

National Hero

Bakit kaya may mga tao na mas pnipili nilang masaktan sila kesa sa maging Masaya sila? Ano bang meron ang pagiging martir na wala sa pagiging Masaya? Nakakapagtaka lang kasi, para kasing mas maraming tao ang pinipili na maging martir, wala pa yata akong kilalang yumaman sa pagiging martir, tignan mo ang mga bayani, asan sila ngayon? Nasa ilalim ng lupa, un nga lang may nagawa sila para sa ibang tao, eh kaso ang mga nagiging martir ngayon, wala lang, para bang may masabi lang, hindi nga nila matulungan ang sarili nila, pano pa kaya ang ibang tao diba? Minsan din akong naging martir, lalo na sa pagibig, lahat nman yta ng tao, personally kasi, may limit nman kasi ako, kasi kahit papano npapagana ko nman ang utak ko, hindi all the time, puro nalang damdamin ang nasusunod, pero hindi ko sinasabi na bawal gawin un, un nga lang, kahit pairalin mo na isip mo, minsan, oh kadalasan pa nga, nasasapawan parin ng damdamin, sabagay, tao lang din kasi tayo, at may mga sarili tayong mga desisyon, pero sana alam parin natin kung hangang saan lang ang kaya natin diba, minsan kasi, ok lang na matawag tayong tanga, kasi ano? Mahal mo? Pero minsan ang katangahan, pwedeng iwasan, hindi nman kailangan maging tanga pag nagmamahal, bakit kaya hindi tayo maging matalino pag nagmamahal, oh sadyang ayaw lang tlga natin gawin un, kasi siguro pag pnili nating maging matalino, bka tayo nman ang mkagawa ng mga bagay na hindi nman dpat, at ang maging resulta, baka tayo pa ang lumabas na masama, na hindi nman nating gusto, kasi mlamang mas pipiliin nating tayo ang masaktan, kesa sa tayo ang makasakit, may sense ba? Para 2loy hindi ko makuha ung logic, sabagay, “martir” nga dba, ewan ko ba kung bakit ganon nlang din ang way ng isip ng ibang tao, ilang beses ka na ngang niloko, at pinaasa, asan ka? Hinahantay pa din siyang bumalik, at umaasang maayos pa ang lahat, sabi nga ng iba, “once is enough, twice is too much,” eh pano pag trice and so on? Ano na tawag don? Sorry sa mga tatamaan ha, pero hindi nyo ba naisip na kayo mismo ang gumagawa ng way para paglaruan kayo ng mga taong minamahal nyo, pero ang tingin sa inyo, isa kalang “favorite toy” n pwedng balikan pag nagsawa na sa bago, nkakaiinis tlgang isipin na ganon nlang kung paglaruan kayo ng taong mahal mo, ngayon ko lang sasabihin toh, pero it really makes me mad, pag naririnig ko tong phrase na toh, “ok lang, mahal ko nman siya,” Grrrrrrrrrrrr,,,,, hindi nlang ako nagsasalita, meron nman kasi tyong freedom, un nga lang, iba ang freedom nyo sa freedom ko, himayin natin ha, ang sakin, I have my freedom to love someone, kahit pa ba hindi niya ako kayang mahalin, martir parin, in some way nga lang, pero atleast wlang naglolokohan, pero sa pagkakaintindi ko sa freedom nyo, pnipili nyo ang freedom para lokohin kayo ng paulit ulit ng taong minamahal nyo, para iwan iwanan nlang kung kelan nila gusto, buhay nga nman oh, ang hirap ipinta, kaya ako, hindi ko isisiksik ang sarili ko sa taong nagbigay na sakin ng rason para tigilan ko na siyang mahalin, haha.. natawa ako don, naisip ko lang bigla, she already gave me reasons, pero hindi ko pa din siya matigilan mahalin, bakit nga kaya noh? Maybe the reason is, I always wanted to be there pag dumating nnman ung crying time niya, bka nga ganon, kahit ano pa man ang mangyari, friends will always be friends, lalo na pag kailangan mo ng tulong, and everyone of us always makes decisions, sana lang maisip din natin ung pwedeng maging resulta pag gumawa tayo ng desisyon.

Martes, Hulyo 19, 2011

A girl named "TOKWA"

After how many weeks, nakagawa ako ulit ng blog, but this blog only refer to one person, the person that always make me smile, in many reasons, and I don’t even know where to start, ganito nalang siguro, the first time I saw her is in the room, obviously classmate kami, at first I only took a glimpse of her, pero nung tumtagal na, halos titigan ko na siya, mlamang kasi nasa harap ko siya, lalo na pag laboratory namin, kaya parati ko siyang nakikita, her face can really be deceiving, lalo na kung hindi mo siya kikilalanin, masyado kasing nkakarelax ung face niya kung titigan mo, tapos ang laki pa ng pisnge, kaya ayun, tapos ang puti pa, kaya nga may sarili akong tawag sa kanya, not many people know it, pero the may mga ilan din, ewan ko nga ba kung bakit sila natatawa sa tawag ko sa kanya, pero para sakin kasi sakto ung tawag ko na un sakanya, pero kahit ano ba ang sabihin ng iba, she’ll always be my friend, un nga lang may mga nagtatanong sakin, (dito ko lang sasabihin toh,) bakit daw hindi ko siya ligawan, kasi daw ang sweet daw naming tignan, (tlga!!) what a question diba, cge sasagutin ko yan, 1st reason, iba ang taong gusto niya, 2nd is priority saw nya ang schooling niya, 3rd reason is, kasi may iba pa akong mahal, ayoko nmang lokohin siya kung sakali diba, anyways, ok na sakin na nakikita ko siya, kasi wala nman siyang paki sakin, she always see’s me as a friend, pero ok lang, tama na sakin ung mdami akong pic niya sa cp ko, ok na din ung nagkakatxt kami, kahit paba hindi ako ung priority niyang repyan agad, ok na din sakin ung nakikita ko siyang nka smile, at ok na din sakin ung npapa smile ko siya, even in the smallest way, in short, ok na sakin na kilala niya ako, kahit hindi ako ang everything, bwahahaha, daming alam, ganon tlga ang buhay, hindi nman lahat ng gusto mo, at iniisip mo, pwedeng mangyari, maging happy nlang tayo sa mga bagay na nangyayari satin, maging kontento sa mga meron, wag masyadong maging greedy sa mga bagay bagay, hindi din nman masamang maghantay diba, baka sakali lang nman, ano pa ba pwede kong masabi bout sa kanya, oo nga pala, isa sa mga konti kong readers ng mga blog ko, sabi nga nila diba, one is enough! Pero syempre the more the merrier! One more thing bout her, she is the only girl i like to see whenever I’m in school! Don’t ask me why, cause I don’t even know why, I just like to see her, it some how makes my day, pero hangang don lang un, at hangang ditto nalang ang sasabihin ko bout sa kanya, baka mawili ako eh, mpadami eh, meron parin mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin, cguro samin nlang un, all of us have secrets!! 

Lunes, Hulyo 11, 2011

Sana....

Minsan ang sarap isipin na sana, lahat ng mga bagay na naiisip natin pwedeng mangyari sa totoong buhay, kaso nga lang sa kasamaang palad, hindi ganon, minsan nga mas masakit pa sa totoong buhay, nasabi ko to, kasi last night I had this dream, WOW! As in in my dream ang sarap ng feeling, kahit pa ba alam kong panaginip lang un, ayoko nman sabihing “sana hindi nlang ako nagising”.. ang hirap nman non, panaginip lang un, pero mas gusto ko pa din ng nakikita kita ng personal, kahit pa ba pangarap ka lang para sakin, hindi nman ako nghihinayang na ganito lang tayo, pero if you’ll gonna ask me, syempre gusto ko ng sakin ka, pero alam nman nating parehas na Malabo pa sa sabaw ng pusit na mangyri un, pero ok lang din, kasi thankful parin ako at hindi mo pinagdadamot sakin na kahit minsan makasama kita, pero hindi mo din matatangal sakin na sana totoo nga ung napanaginipan ko, grabe tlga un, kahit 2log ako, Masaya ako pag gising ko, hangang ngayon hindi ko matangal sa isip ko un, kahit sino nman yta pag gnon kaganda ung panaginip, ewan ko lang kung hindi siya maging Masaya.

Sa panaginip ko, Masaya tayong dalawang, magkahawak tayo ng kamay at halos hindi ko na nga bitawan ung kamay mo, naglalakad tayo sa mga lugar na gusto natin, kumakain tayo ng sabay at nagsusubuan pa, sabay tayong tumatawa, at sabay din tayong nanonood habang magkatabi tayong naka-upo, at nakasandal ka sa braso ko habang hawak ko ang kamay mo, pero lahat ng yun, natapos ng bigla kong tanungin kung mahal mo ba ako, nagising kasi ako, (naka alarm ako) badtrip tlga, bakit kaya ganon noh, ibig sabihin ba non, kahit sa panaginip ko, hindi mo tlga ako kayang mahalin, sana kahit sa panaginip marinig kong sabihin mong mahal mo ako. Pero ok lang nman, no regrets, kasi bihira lang dumating ung ganong klaseng panaginip, kaya bago ako maging ulyanin, ilalagay ko na d2 sa blog ko un, para kahit papano, may babalikan akong isang bagay na Masaya,  sa totoo lang, there’s a part of me telling that I should stop loving you, NOW! Pero may natitirang part ko na cnasabing wag muna, kahit pa ba wala akong pag asa. Ok lang nman eh, ganon nga pag nagmamahal diba, hindi lahat happy ending, hindi lahat nagtatagumpay, at hindi lahat nangyayari sa bawat gusto natin. Sana lang din makontento tayo sa mga bagay na meron tayo, at mlaman natin na hindi dapat pnipilit ang mga bagay na hindi tlga pwede. Mawawala din toh, in time.