Linggo, Disyembre 18, 2011

Sinabi ko pa naman na matatagalan bago ako ulit gumawa ng blog ko, pero ilang beses kong tiniis na hindi talaga gumawa, ito lang din kasi ang comfort zone ko, sa tuwing nagkakaroon ako ng problema oh madaming nabubuong tanong sa isip ko, pero ngayon sa blog ko, sa totoo lang isang bagay lang din ang gusto kong ilagay, try naman natin ng masaya, hindi yung puro nalang ako sawi sa mga blog ko. Pero malamang maikli lang toh, kasi pag hinabaan ko, malamang paulit ulit lang ung sasabihin ko.

Ako yung tipo ng tao na pag nagmahal, talagang hangat kaya ko, ibibigay ko mapasaya lang kita oh kaya makita lang kitang naka-smile, ako din yung klase ng tao na kahit minsan nabibigo, hindi mo ako makikita agad na nalulungkot, it doesn't mean na wala akong pakialam, hindi kasi masyadong showy type sa feelings ko, unlike ngayon, my blog na kasi, kaya dito ko nalang nilalagay lahat, at may mga ilan akong friends na sinasabi na, hindi na nila alam kung kelan ako nagbibiro oh nagssabi ng totoo pag dating sa feeling ko sa isang girl, pero hindi alam ng karamihan ng friends ko na meron talagang girl sa super special sakin, ngayon iilan palang ang nakakaalam, bakit ko nasabing special? Hindi ko alam tlga yung reason, ang alam ko lang, pag andyan siya, kahit wala akong time, basta pag siya ang nagyaya, parati akong may time, siya din ung girl na nakakakilala sakin ng buo, siya rin yung girl na sabi niya, kahit anong mangyari, my special place ako sa buhay niya, (sarap diba) sana nga lang din pati sa puso niya, (hihirit nanaman ako). At sakanya lang din ako nagkakaganito, bakit ganito? Sabihin nalang natin na kahit masakit na, hindi ko pa din magawang lumayo sa kanya, kahit mahirap na, handa parin akong suportahan siya sa mga disisyon na, kahit mabigat na sa loob ko, handa parin akong mapa-smile siya, at higit sa lahat, kahit wala itaboy niya ako, hindi parin ako aalis para lang ulit ulitin ung mga bagay na nabangit ko. Ang sarap ng paulit ulit kong iniisip mga oras na masaya kami, yung oras na parang hindi na matatapos, sana lang din parating ganon, sa totoo lang sa kanya lang din ako nahugot ng lakas para magawa ko ung mga bagay na gusto ko, at isa pa, siya ung nagiisang rason kung bakit marunong akong magmahal, kahit pa ba hindi ayon sa mga gusto ko ung pagkakataon, pero ok lang, hindi din naman ako nagmamadali, ang mahalaga nalang sakin ngayon, nasa tabi niya ako sa tuwing kailangan niya ako, kahit pa ba dumating yung time na sabihin mo sakin na lumayo na ako, isumpa muna siguro ako,pero mahihirapan akong gawin yun. Pero may isang bagay sakanya na talagang hindi ko magawang pumalag, pag ngumiti siya sakin, my GOD! Bakit ba hindi ko matiis ung smile niya na un? Lalo na kung may gusto siyang malaman tapos ayaw kong sabihin, nakuuuu!! smile lang niya.. wala na akong laban! Talagang alam niya kung pano ako huhulihin, maraming bagay about sakanya na gusto ko, lalo na siya!

Alam mo, kahit anong mangyari, andito lang ako, sabi nga ng friend niya, dapat alam mo lang kung saan ka lulugar, pero ang tanong ko, nasa tamang lugar ba ako?? kahit na pa nasa mali, bsta hindi kita iiwan pag kailangan mo ako, hindi man ako ang una mong lapitan, pero hindi ka mabibigo kahit ako ang huli mong takbuhan.