Linggo, Oktubre 7, 2012
Shadows
Madami akong mga kilala at kaibigan na pag dating sa pag ibig, hahamakin ang lahat, mapagbigyan lang nararamdaman nila, ang alam lang kasi ng karamihan, magkagusto lang sila sa isang tao, mahal na nila agad, tapos liligawan, susuyuin, at pag na basted? Magagalit, kung ano ano ang sasabihin, gawaing pambata para sa karamihan, pero ano nga ba talaga? Pero sa bawat taong Masaya dahil sa kanilang relasyon sa taong mahal nila, at para sa mga taong nagpapakasaya sa piling ng kung sino man nagpapasaya sa kanila, pero sa kabilang ibayo ng utak ng tao, madaming hindi nakakapansin sa mga taong nagmamahal sa taong suntok sa buwan! Suntok sa buwan na mahalin din sila ng taong mahal nila, madaming hindi nakakapansin sa mga taong tago magmahal, kasi karamihan ng taong umiibig, Masaya na sila at wala ng pakialam sa kapaligiran nila, pero hindi lahat ng umiibig, kayang gawin ang mga ginagawa ng mga taong handa magmahal ng walang kapalit, tipong ayos na sila ng hangang tingin lang sila, kahit hindi nakakausap ng sobra, sapat na yung simpleng “hi” lang, yung simpleng sulyap pag nakakasalubong, yung gagamit pa ng binoculars para lang Makita sa malayo, diba? Sino ang mga nakakapansin sa mga taong ganito? Sa totoo lang wala, kasi habang busy ka sa kakatingin din sa crush mo, eh ganon din ang ginagawa ng ibang taong katulad mong kuntento na sa sulyap lang, hahaha… sa totoo lang din, mas saludo ako sa kanila, kesa sa mga gwapong ang alam lang eh magpacute ng magpacute, pag hinamon mo nman ng suntukan, kulang nalang tawagin pa niya ang mga repas niyang puro boyband naman ang itsura! Ang lamang lang naman nila, naka tyamba sila na pinanganak silang magaganda ang mga itsura, sabagay, ang mga taong nagmamahal sa gilid ng isang kwarto at nagtatago, eh yung mga taong average looking pababa! Sa theorya ko kasi, kaya ka lang naman patago magmahal sa kadahilanang, 1. Torpe ka, 2. May mahal siyang iba, 3. Insecure ka, hindi ko sinasabing tama lahat yan, pero cguro naman kahit isa may tinama ako! Buhay nga naman ng tao, sobrang hindi mo maipinta, tapos sasabayan pa ng isang aspeto sa buhay na pinaka mandurugas sa lahat! Ang magmahal ka ng puso ang ginamit! Malamang ang mga taong sa distansya nagmamahal, puso ang ginagamit, dahil pag utak ang nagmahal, kahit sino pwedeng maging Masaya, at mgtagumpay sa mga balak nila sa isang relasyon, pero kung puso ang gagamitin, handa ka magmahal ng totoo at sagadsagaran ang pagmamahal na ibibigay mo, sa sitwasyong hindi lahat ng nagmamahal kayang panindigan..! ang isang bagay na lahat ng tao hinahanp kapag umiibig, kasi para sa karamihan ng tao, pag sinabi mong “mahal kita” kailangan may sagot na “mahal din kita” isang point na alam ng karamihan, pag minahal mo siya, kailangan may kapalit! Kung ikaw ang tatanungin ko, ilan ang kilala mong kayang magmahal ng “WALANG KAPALIT”? oh isa ka sa mga yun?